Saturday, October 30, 2004

Digmaan

Nakakainis na talaga tong mga elitistang ito!!!!Biruin mo said na nga ang karamhian ng pilipino sa kahirapan, sila pa itong paenjoy enjoy lang at parang ngiingit pa! BWISIT!!!!

HAH! maiba muna...

Kung nabasa nyo lang ang libro ni George Orwell na 1984 malamang matatakot kayo sa kahihinatnan ng ating mundo, at pandagdag pa ng takot na ang mga scenario na mga kanyang sinulat ay inaasahan nyang mangyayari noong 1984. Samantalang sinulat nya ito noong 1940's pa! Hindi ba nakaka kilabot? Napakiramdaman na ng isang manunulat na magiging kontrolado ng isang estado ang galaw, paguugali, pagiisip, kaalaman, at pati damdamin ng mga taong sakop nito. Naisip na nyang sa panahong iyon iisipin mo pa lang ang krimen huhulihin ka na. Magisip ka laban sa gobyerno papatayin ka. Kung tutuusin kung merong tinatawag na thoughtcrime dito sa pilipinas (at laking pasasalamat kong hindi nila nagawa!) siguro habang sinusulat ko tong pangungusap na ito ay bigla na lang akong dakpin at





Joke lang! hindi ako hinuli! wala pang thoughtcrime dito! wala pa sa buong mundo! Pero nababtid ko na malapit na...

Ayon sa libro ang mga tao ay pinipilit magsalita sa bagong salita at yon ang tinatawag nilang newspeak. Ang newspeak ay nagsisilbing paraan para makontrol ang pagiisip ng tao, hangang tuluyan silang maging bobo at walang mapagisipan kundi ang walang tigil na digmaan at si BIG BROTHER. Kung kayo ay nakapagbasa na ng tabloid, mapapansin nyong malaki ang pagkakaiba ng mga istorya na nandoon kaysa sa nandoon sa mga broadsheets. Kadalasan mga storya sa police blotter. Ang world news ay kakapirasong parte lang sa isang pahina. Ang pinakamalalaking parte ng mga tabloid na ito ay ang Chismis/Showbiz, Sports at kung meron yung porno halimbawa nito ang XereXavier. Kita nyo? hangang dito lang ang mga binabasa ng mga tao. At syempre hanggang dito lang gumagalaw ang usapan sa kanto. Wala kang maririnig na:

tambay1: Paano kaya mapapaganda ang takbo ng ekonomiya natin?
tambay2: Alam mo pare ganito yan... Kailangan ayusin nila ang mentality ng mga pilipino?
tambay1: Ahh oo tama dapat ayus yon para lahat talaga magtutulungan...
tambay2: Pero kung iisipin mo mahirap yan kasi embeded na yun sa ating kultura...

Kita nyo? mahirap makatsempo ng ganyan sa kanto! madalas pa ang ganito:

Tambay1: pare napanood mo ba ung laban nila manny at ni pacquiao?
tambay2: oo pare galing nga ni manny eh!
tambay3: oo, eh yung laban ng ginebra at ng san miguel?
tambay2: oo galing nga nung si val david!
tambay1: Anak ng tyanak! alam nyo ba nhuli si mang pancho na binuburacha ung kapit bahay nya?

Kita nyo? ganyan lang ang pinaguusapan ng karamihan. Nakatakot isipin na nagkakatotoo na ang mga sinulat ni ginoong Orwell.

Isa pang nakakatakot dito ay ang sinabi sa 1984 na talata:

"War, it will be seen, accomplishes the necessary destruction, but accomplishes it in a psychologically acceptable way. In principle it would be quite simple to waste the surplus labour of the world by building temples and pyramids, by digging holes and filling them up again, or even by producing vast quantities of goods and then setting fire to them. But this would provide only the economic and not the emotional basis for a hierarchical society. What is concerned here is not the morale of masses, whose attitude is unimportant so long as they are kept steadily at work, but the morale of the Party itself. Even the humblest Party member is expected to be competent, industrious, and even intelligent within narrow limits, but it is also necessary that he should be a credulous and ignorant fanatic whose prevailing moods are fear, hatred, adulation, and orgiastic triumph. In other words it is necessary that he should have the mentality appropriate to a state of war. It does not matter whether the war is actually happening, and, since no decisive victory is possible, it does not matter whether the war is going well or badly. All that is needed is that a state of war should exist."

sa mga hindi nakaintindi sa ingles, ang ipagsabihin ng talata ay kailangan ang digmaan upang magkaroon ng kita ang economiya ng MUNDO! inuulit ko MUNDO hindi pilipinas MUNDO! Hindi importante kung sino ang nananalo, natatalo, napapatay, gaano katagal ang digmaan o kung ano ang dahilan nito. Ang importante ay merong digmaan at hindi ito tumitigil. Merong mga kompanya na gumagawa at ng iinvest sa digmaan, para maging malinaw ito yung mga kompanyang gumagawa ng mga armas, tanke, bomba, bala, eroplanong pandigmaan mga barko, mga armor, mga teknolohiyang pandigmaan at kung anu-ano pang tungkol sa digmaan. Pag walang digmaan wala silang kita dahil hindi binibili ang kanilang mga produkto. Nasasabi rin na ang Digmaang Iraq US ay tungkol lang sa pera at sa papogi ni ginoong Bush pero kung kahit ano pa ang kanyang dahilan sa pagpatay sa mga inosenteng Iraqis, hindi ito tama!

Nakakatakot mang isipin na may mga namamatay dahil lang sa kasakiman ng iilan tao! Pero totoong nangyayari ito at ang masama pa dito ay nakita na ito ngunit hindi parin na gawan ng paraan.

Hindi kaya tao lang talaga ang nagpapahirap sa sarili nya???

Tuesday, October 19, 2004

Bating Panimula

Hi, ito ang aking first time mag blog sa isang blog site na katulad nito... kung isiisipin nyo mukhang baguhan talaga ako dahil tagalog pa ang gamit ko at hango lang sa template ang aking pambalat sa blog-site na ito...

Ako nga pala si Manny isang kathang isip na nage-embody sa common filipino political idiot na computer literate kahit papaano. Kaya ko ito sinulat sa tagalog dahil, may gusto akong iparating (I want to convey a message...), at higit pa doon, isang paraan na rin upang maparating ko ng maayos ang aking munting mensahe.
Tinagalog ko rin ito upang maiba na rin, dahil karamihan ng mga blog sites sa internet ay nasa wikang banyaga. Huwag nyo naman ako maliitin, marunong naman ako magbasa, magsulat, at magsalita sa ingles ng maayos, inuulit ko mas maipaprating ko lang ito sa pamamagitan ng wikang pambansa ng pilipinas.


Sa kasalukuyan ako ay labing anim na taong gulang na. Isa akong out-of-school youth na nakarating lang ng second-year high school. Kaya kahit papaano may natutuhan ako sa computer at nagkutingting sa internet imbis na ubusin ang oras at pera ko sa paglalaro ng Ragnarok, MU, at kung anu-ano pang mga laro na ginagawa sa internet.
Sisikapin kong magsulat ng mga makabuluhang mga lathalain na naglalaman ng mga hinaing, hinanakit, hintuturo, hingmumura, hinlalaki, hin- hin... wala na akong maisip na hin eh pero ayun ganoon na nga ang aking mga isusulat mga hin... Hindi maintindihan, hindi mawari, hindi masabi ng taong bayan, hindi kanaisnais na mukha ng gobyernong pilipino, hindi magandang ugali ng tao (hindi lang pilipino ah inuulit ko tao), hindi maayos na pakikitungo. Ayun alam nyo na siguro ang maaring maging laman nito.


Tawagin na nitin itong panimulang salita o foreword ika nga...

Pahabol: Hindi ko hinahangad na mailimbag ito bilang libro kung pwepwede hangang dito na lang pero kung talagang ipipilit nyo eh di sige sabi nyo eh, basta kayo ang magbabayad!Maaring pagusapan ang mga naisulat dito kung saan nyo man gusto, mapaskwela, trabaho, kalye, banyo, chatroom, telepono o kahit saan mang pwedeng pagusapan ang mga ito. wala akong hawak na pagmamayari sa mga nakasulat dito kahit na ako ang mga nakaisip dito.At kung naniwala kayong kathang isip lang ako , well let's just say you've been had!