Tuesday, October 19, 2004

Bating Panimula

Hi, ito ang aking first time mag blog sa isang blog site na katulad nito... kung isiisipin nyo mukhang baguhan talaga ako dahil tagalog pa ang gamit ko at hango lang sa template ang aking pambalat sa blog-site na ito...

Ako nga pala si Manny isang kathang isip na nage-embody sa common filipino political idiot na computer literate kahit papaano. Kaya ko ito sinulat sa tagalog dahil, may gusto akong iparating (I want to convey a message...), at higit pa doon, isang paraan na rin upang maparating ko ng maayos ang aking munting mensahe.
Tinagalog ko rin ito upang maiba na rin, dahil karamihan ng mga blog sites sa internet ay nasa wikang banyaga. Huwag nyo naman ako maliitin, marunong naman ako magbasa, magsulat, at magsalita sa ingles ng maayos, inuulit ko mas maipaprating ko lang ito sa pamamagitan ng wikang pambansa ng pilipinas.


Sa kasalukuyan ako ay labing anim na taong gulang na. Isa akong out-of-school youth na nakarating lang ng second-year high school. Kaya kahit papaano may natutuhan ako sa computer at nagkutingting sa internet imbis na ubusin ang oras at pera ko sa paglalaro ng Ragnarok, MU, at kung anu-ano pang mga laro na ginagawa sa internet.
Sisikapin kong magsulat ng mga makabuluhang mga lathalain na naglalaman ng mga hinaing, hinanakit, hintuturo, hingmumura, hinlalaki, hin- hin... wala na akong maisip na hin eh pero ayun ganoon na nga ang aking mga isusulat mga hin... Hindi maintindihan, hindi mawari, hindi masabi ng taong bayan, hindi kanaisnais na mukha ng gobyernong pilipino, hindi magandang ugali ng tao (hindi lang pilipino ah inuulit ko tao), hindi maayos na pakikitungo. Ayun alam nyo na siguro ang maaring maging laman nito.


Tawagin na nitin itong panimulang salita o foreword ika nga...

Pahabol: Hindi ko hinahangad na mailimbag ito bilang libro kung pwepwede hangang dito na lang pero kung talagang ipipilit nyo eh di sige sabi nyo eh, basta kayo ang magbabayad!Maaring pagusapan ang mga naisulat dito kung saan nyo man gusto, mapaskwela, trabaho, kalye, banyo, chatroom, telepono o kahit saan mang pwedeng pagusapan ang mga ito. wala akong hawak na pagmamayari sa mga nakasulat dito kahit na ako ang mga nakaisip dito.At kung naniwala kayong kathang isip lang ako , well let's just say you've been had!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home